Mga Babaeng Nilalang, Hindi Dapat Nila-lang: Ang Pag-angat ng Kababaihan sa Lipunan
Johnel Raceline Tiña | Staffer | The OLPSian Times
Abante, babae!” — isang katagang palagi nating naririnig tuwing sumasapit ang buwan ng Marso. Ginagamit ang katagang ito upang manghikayat at magpakita ng pagsuporta sa mga kababaihan; Nagsisilbi rin itong palatandaan na kahit ano man ang dumating o mangyari, kayang kayang gawin at lagpasan ‘yan ng mga babae.
Tuwing ikatlong buwan ng taon, ipinagbubunyi ang Buwan ng Kababaihan sa buong mundo. Dito, sila ay ipinagdiriwang at binibigyang karangalan, sapagkat marami na silang nagawa—at patuloy na ginagawa—upang mas lalo pang umunlad ang ating lipunan, pati na rin ang mundo na ating tinitirhan.
Sa bansa natin, marami nang nakamtan ang mga kababaihan; Mula pa sa ating mga ninuno na lumaban at nagprotesta para sa kanilang karapatang pantao, hanggang ngayon, kung saan karamihan sa ating mga kababaihan ay umaabante at umaangat sa iba’t ibang mga larangan.
Katulad na lamang noong nakaraang Halalan 2022, tumakbo si dating Bise Presidente Atty. Leni Robredo sa pagka-presidente, kung saan nagtapos siya bilang pangalawa sa mga nanguguna. Siya ang nag-iisang babaeng tumakbo laban sa siyam na lalaking naghahangad din ng posisyon na iyon.
Natalo man siya, nagsimula naman siya ng isang non-profit organization pagkatapos ng kanyang termino bilang bise presidente: ang Angat Pinas, Inc., o mas kilala bilang Angat Buhay Foundation. Hanggang ngayon, patuloy niyang tinutulungan ang mga mamamayang Pilipino kahit pa’y hindi na siya nakapwesto.
Sa larangan naman ng sining, hindi lang bandera ng Pilipinas ang itinataas ng aktres na si Dolly de Leon, kundi pati na rin ng mga kababaihan. Mula sa pagkapanalo niya ng Gawad Urian Award sa kategoryang Best Supporting Actress hanggang sa pagiging nominado sa iba’t ibang mga pagpaparangal sa ibang bansa tulad ng Golden Globes at British Academy of Television and Arts (BAFTA) sa parehas na kategorya, tunay ngang karangal-dangal ang kanyang husay sa pag-arte.
Kamakailan lang, naging malaya na ang journalistang si Maria Ressa at ang kanyang kumpanya, Rappler, laban sa mga isinampang tax evasion charges sa kanya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong taong 2018. Ayon sa kanya, itinuturing niya itong pagtatagumpay ng katotohanan at hustisya laban sa politika.
Kilala rin si Ressa bilang siya ang pinakaunang Pilipinong nagwagi ng Nobel Peace Prize dahil sa kanyang paglaban para sa press freedom.
Ang mga iyan ay ilan lamang sa mga halimbawang nagpapatunay na kayang kayang gawin ng mga babae ang lahat nang hindi kinakailangan ang tulong ng kahit nino man – ganyan sila kalakas at katapang.
Ngunit kahit babae ang tema, hindi ibig sabihin ang lalaki hindi pinaglalaban ang babae. Walang karapatan ang babae ngayon kung hindi sumangayon ang mga lalaki sa pagkakaroon ng karapatan ang mga babae.
Sa komunidad naman ng ating paaralan, patuloy din ang pag-unlad ng ating mga kababaihan – karamihan na ng mga namuno at namumuno rito ay mga babae.
Kahit minsan merong diskriminasyon, hindi na sya kapareho ng nakaraan, di na tayo sinusi sa loob ng bahay at simbahan lamang, nakakapag-gawa na tayo lahat ng pwedeng gawin ng lalaki, ngunit kahit sabihin nating kaya nating gawin lahat meron paring iba na binababaan ang sweldo ng babae kahit maganda naman ang kanilang ginawang trabaho, kaya kailangan nating magpakitang gilas, sa mga mata nila, pero di ibig sabihin magging katulad ka ng mga ignoranteng tao, nabulag na sa kayabangan.
Ayon kay Bb. Norlyn Cabrera, isang guro sa asignaturang Matematika, swerte tayo dahil kinikilala at mas hinuhulma ang mga abilidad at potensyal ng mga kababaihan sa ating lipunan ngayon, lalong lalo na sa ating institusyon – hindi maramot ang eskwelahan pagdating sa pagtulong lalo na’t kung para ito sa pag-unlad ng paaralan.
“Miss Beltran told us that we should not be afraid to accept the task given to us, because it only means that they see your potential in that field; A good mentoring from female colleagues like myself is also one of the things that helps me to further develop myself in any aspect of life.”, dagdag pa nito.
Nagtanong kami sa isang estudyante, anong nararamdaman mo sa pagging babae? “Ang nararamdaman ko bilang isang babae sa comminuty na ito, hindi dafe maglakad sa gabi. Andami titingin sayo mangccatcall sayo kahit anong suot mo” kaya dapat marunong tayong dumepensa sa ating sarili kung dumanting man ang araw na may hahawak sayo, di ka nila mahahawakan.
Sabi naman ni Martina Moya, isang estudyante mula sa ikasiyam na baitang, “I think our school highly values women in a lot of ways kahit noong una pa lang. I think they mostly aim to provide a safe and inclusive learning environment for everyone – as a student gaining knowledge from the said environment, I can feel the yearn to break free from the gender norms that were held in workplaces before.”
Para sa kanya, ang makita na nagiging progresibo ang lipunan at ang paaralan ay nakakabugso ng kanyang damdamin bilang estudyante, at lalo na bilang babae; dagdag pa niya, “Ang makita na unti-unting binibitawan ng mga tao ang shackles ng nakaraan – it’s exhilarating to see if I’m being honest.”
Hindi biro ang mga pinagdaanan ng mga kababaihan para makarating sa punto na ito. Matagal na silang lumalaban, at patuloy na lalaban upang maprotektahan ang kanilang mga karapatan.
Walang makapipigil sa kanila. Mga babae, patuloy na umaabante, palaging aabante.